MastHead

Slide Show

MUNICIPAL HALL of the Local Government Unit of Rosario, Province of Batangas, Philipines.
VIEW over Tombol Hill, Municipality of Rosario, Batangas, Philippines

Thursday, September 2, 2021

LEDIPO Photo 14: Ang ECOTOURISM & HERITAGE CONSERVATION ZONE WEST ay binubuo ng mga sumusunod na barangay: Ilayang bahagi (north) ng Bagong Pook, Poblacion A at Poblacion B; silangang bahagi ng Poblacion C, San Roque at Quilib. Nasa Barangay Bagong Pook ang kilalang Royal Maverick Ranch at agri-tourism farm. Ang Tombol Hill na kilalang landmark ng Bayan ng Rosario ay binubuo ng mga bahagi ng Poblacion A, Poblacion B at San Roque. Ang headwater ng Tombol River o Tombol Spring na pangunahing source ng tubig ng Rosario Water District PrimeWate ay nasa Barangay Poblacion B. Maaring puntahan ang Rosario Resort and Hotel at ang Kawayan Leaves Resort and Hotel sa Barangay Quilib. Ang Municipal Hall Complex, DSWD The Haven for Women, Rosario Municipal Police Station, Pagtubos ng Panginoon shrine, Iglesia Filipina Independiente Parish of the Most Holy Rosary, Roman Catholic Church Our Lady of the Rosario Parish, Padre Vicente Garcia Memorial Academy, Rizal MicroBank (formerly Rosario Rural Bank), lahat sila ay nasa bahaging ito ng Barangay Poblacion B. Nasa Barangay San Roque naman ang The Church of Jesus Christ of the Latter Day Saints, Pentecostal Missionary Church of Christ, Grace of Almighty God Community, at ang The Sto. Niño Formation and Science School. Ang Laurel Park, Municipal Tiral Court at Regional Trial Court ay pawang nasa Barangay Poblacion C naman. Facebook Photo Album: LEPIDO Reports 2021 Link: https://bit.ly/LEPIDOREPORTS2021 PAUNAWA: Nilikha ang LEPIDO Reports 2021 Photo Album upang mag-ulat ng mga kaalaman ukol sa pagpapaunlad pangkabuhayan at pamumuhunan sa Bayan ng Rosario, Batangas.


via Local Government Unit - Rosario Batangas https://www.facebook.com/lgurosariobatangas/photos/a.394562302180429/396698461966813/?type=3

No comments:

Post a Comment

Miss Tourism Philippines 2018 - ROSARIO, BATANGAS ENTRY - MS. JAN ROSE DE CASTRO

Flushing/Disinfection Operation

Popular Posts