The Local Government Unit - Rosario Batangas posted on its OFFICIAL FACEBOOK PAGE http://www.facebook.com/pages/p/104694127833916 :
PAALALA PO BUHAT SA MDRRMO: Inaabisuhan at pinag-iingat ang mga nakatira lalo na sa baybayin at mababang lugar ng Rosario Batangas mula sa banta ng bagyong si ULYSSES. Ang Bagyong ULYSSES ay inaasahang tatahakin ang katimugang Luzon sa pagitan ng Bicol at probinsya ng Quezon. Ito ay tinatayang magdudulot ng malakas na pag-ulan at pabugso-bugsong hangin na maaring maging sanhi ng pagbaha, storm surge o daluyong at pagguho ng lupa. Sumunod sa ipinatutupad na evacuation ng inyong barangay, at ng ating munisipyo. Maaring MAKIPAG-UGNAYAN sa MDRRMO kung saan ligtas na lumikas. Lahat ay PINAG-IINGAT. MAGING MAPAGMATYAG AT INGATAN ANG SARILI AT PAMILYA. SA MGA BARANGAY: Siguraduhing ang mga abiso ay makararating sa buong barangay lalo na sa mga nakaranas ng sunod-sunod na pag-ulan. Gumamit ng nararapat na mga babala tulad ng bandilyo at pagbabahay-bahay para sa agad na kaalaman ng lahat. Isagawa ang maagap at angkop na kahandaan kaakibat ang mga tinakdang pag-iingat laban sa COVID-19. MARAMING SALAMAT PO. Stay safe ROSARIANS. God bless ROSARIO. #laginghandaparasabayan
#laginghandaparasabayan
Slide Show
MUNICIPAL HALL of the Local Government Unit of Rosario, Province of Batangas, Philipines.
VIEW over Tombol Hill, Municipality of Rosario, Batangas, Philippines
Tuesday, November 10, 2020
Updates from Local Government Unit - Rosario Batangas as of November 10, 2020 at 04:25AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Miss Tourism Philippines 2018 - ROSARIO, BATANGAS ENTRY - MS. JAN ROSE DE CASTRO
Flushing/Disinfection Operation
Popular Posts
-
Program Title Medical Mission Special Project of Mayor Manny Alvarez Program Location The Medical Mission was conducted at the Laurel Pa...
-
About Us HISTORICAL REFERENCE . The following isa complete adaptation of the book authored by Mr. Conrado T. Reyes, Rosario of Batangas:...
-
Ang sumusunod ay sipi ng talumpati ng ating Kagalang-galang na Punumbayan Manuel B. Alvarez sa kanyang kauna-unahang State of the Municipali...
No comments:
Post a Comment